Sapagkat ako ay maraming ginagawa at kasalukuyang iniitindi ang aking personal na buhay, ang kunehong ito ay pansamantalang mawawala. Marahil ay hindi lingid sa inyong kaalaman na hindi ko pinagkakakitaan ang blog na ito, kaya't kailangan ko munang seryosohin ang pagtambay sa aking opisina upang makaipon ng pera at makapagkape naman ako ng mamahalin.
Huwag kayong mag-alala. Tumatanggap pa rin ako ng load na donasyon. Maraming salamat!
Sunday, June 6, 2010
Saturday, May 29, 2010
Manny Pacquiao - Boksingero, Kongresista, at Iskolar ng Bayan
Eto nga ang narinig ko mga ilang minuto lamang ang nakakalipas. Mukang napakatindi ng ating Pambansang Kamao.
Pwedeng-pwede pala talaga siyang maging tunay na pulitiko.
Eto ang mga plano ni Manny Pacquiao matapos mahalal biglang kongresista ng Saranggani Province:
1. Labanan si Floyd Mayweather
2. Maghanda para sa pagbubukas ng kongreso.
3. Mag-aral sa UP Diliman.
Sa aking palagay, maaaring gawin ni Manny ang 1 and 2 ng sabay, pero hindi pwedeng isabay and 3. O mas maganda na wag nang planuhin na gawin ang 3. Isa lang ang masasabi ko dito, saludo kami sayo Manny Pacquiao! Pagkatapos ng ilang taong paghihirap na halos hindi na kami nakakatulog dahil sa sobrang nakakastress na pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas ay iisipin mo na kakayanin mo ito kasabay ng ibang responsibilidad mo sa buhay?

Saturday, May 15, 2010
GMA 7 - Balitang May Halong Diskriminasyon
Bukod sa maitim ang kulay ni Binay, bakit mo siya tatawaging "Dark Horse"?
Pwede namang underdog, undercard, the less-known, maraming synonyms yan! Wala ba kayong mga utak?
Pwede namang underdog, undercard, the less-known, maraming synonyms yan! Wala ba kayong mga utak?
Monday, May 10, 2010
Kung Laging Bad News, May Good News
Simula po kaninang 12am, kung ay nalift na po ang liquor ban. Ang anumang uri ng alak ay maaari na muling bilhin at laklakin sa gitna ng kalsada,
Ito ay labis na ikinatuwa ng mga lasinggero sa aming kanto subalit lubos na ikinasama ng loob ng mga taong hindi umiinom sapagkat hindi na naman sila makakatulog.
Ang liquor ban na inaasahan ng mga hindi umiinom ay mangyayaring muli sa 2013 elections. Sinasabi ng mga eksperto na kung totoo nga ang nakalagay sa pelikulang 2012, ang May 2010 elections liquor ban na ang kahuli-hulihang liquor ban sa bansa.
Saturday, February 20, 2010
Transformers 3: Sulit Ba?
Napanood mo na ba ang transformers 3? Kung ako sa iyo ay wag na. Alam mo kung bakit?
Unang-una, wala na si Megan Fox sa Transformers 3. Ayon sa aming sources, si Megan Fox ay tuluyan nang umalis dahil hindi umano maaaring maging sexual material si Shia La Beouf dahil sa kanyang pangangatawan at mukhang hindi pang-artista.
Ayon naman kay Nikki Finke, desisyon daw ng direktor ng Transformers 3 na si Michael Bay na alisin si Megan Fox dahil mas maganda daw kung walang love interest ang ating bida.
Noong nakaraang kabanata ng pelikulang ito, matatandaang nagkaroon ng aksyon sa pagitan ni Sam Witwicky (Shia) at isang decepticon. Ipinakita ang pangarap ng isang kalalakihan na makipagtalik sa kanilang pinakamamahal na sasakyan. Ngayon sa baong pelikula, ano ang aabangan namin? Bed scene ni Optimus Prime at Bumblebee?
Subscribe to:
Comments (Atom)