Eto nga ang narinig ko mga ilang minuto lamang ang nakakalipas. Mukang napakatindi ng ating Pambansang Kamao.
Pwedeng-pwede pala talaga siyang maging tunay na pulitiko.
Eto ang mga plano ni Manny Pacquiao matapos mahalal biglang kongresista ng Saranggani Province:
1. Labanan si Floyd Mayweather
2. Maghanda para sa pagbubukas ng kongreso.
3. Mag-aral sa UP Diliman.
Sa aking palagay, maaaring gawin ni Manny ang 1 and 2 ng sabay, pero hindi pwedeng isabay and 3. O mas maganda na wag nang planuhin na gawin ang 3.
Isa lang ang masasabi ko dito, saludo kami sayo Manny Pacquiao! Pagkatapos ng ilang taong paghihirap na halos hindi na kami nakakatulog dahil sa sobrang nakakastress na pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas ay iisipin mo na kakayanin mo ito kasabay ng ibang responsibilidad mo sa buhay?
Saturday, May 29, 2010
Saturday, May 15, 2010
GMA 7 - Balitang May Halong Diskriminasyon
Bukod sa maitim ang kulay ni Binay, bakit mo siya tatawaging "Dark Horse"?
Pwede namang underdog, undercard, the less-known, maraming synonyms yan! Wala ba kayong mga utak?
Pwede namang underdog, undercard, the less-known, maraming synonyms yan! Wala ba kayong mga utak?
Monday, May 10, 2010
Kung Laging Bad News, May Good News
Simula po kaninang 12am, kung ay nalift na po ang liquor ban. Ang anumang uri ng alak ay maaari na muling bilhin at laklakin sa gitna ng kalsada,
Ito ay labis na ikinatuwa ng mga lasinggero sa aming kanto subalit lubos na ikinasama ng loob ng mga taong hindi umiinom sapagkat hindi na naman sila makakatulog.
Ang liquor ban na inaasahan ng mga hindi umiinom ay mangyayaring muli sa 2013 elections. Sinasabi ng mga eksperto na kung totoo nga ang nakalagay sa pelikulang 2012, ang May 2010 elections liquor ban na ang kahuli-hulihang liquor ban sa bansa.
Subscribe to:
Comments (Atom)