Eto nga ang narinig ko mga ilang minuto lamang ang nakakalipas. Mukang napakatindi ng ating Pambansang Kamao.
Pwedeng-pwede pala talaga siyang maging tunay na pulitiko.
Eto ang mga plano ni Manny Pacquiao matapos mahalal biglang kongresista ng Saranggani Province:
1. Labanan si Floyd Mayweather
2. Maghanda para sa pagbubukas ng kongreso.
3. Mag-aral sa UP Diliman.
Sa aking palagay, maaaring gawin ni Manny ang 1 and 2 ng sabay, pero hindi pwedeng isabay and 3. O mas maganda na wag nang planuhin na gawin ang 3.
Isa lang ang masasabi ko dito, saludo kami sayo Manny Pacquiao! Pagkatapos ng ilang taong paghihirap na halos hindi na kami nakakatulog dahil sa sobrang nakakastress na pag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas ay iisipin mo na kakayanin mo ito kasabay ng ibang responsibilidad mo sa buhay?
No comments:
Post a Comment