A few months ago, I was set in complete darkness. After a relationship that has gone sour that it has to be ended, I had the idea that relationships are not worth my time, and that nothing lasts forever; just the same as the material things that we have. Though they offer lifetime warranties for some, a lot of them just won't last that long.
And then you came. I was trying to remember the time when I first saw you standing there. I never really got to talk to you before but you somehow made my days less-intolerable back then.
I can vaguely remember our first conversation, and though we weren't really talking about something sweet, you managed to catch my attention. The mysterious girl that didn't even know me was right in front of me, and I was trying to help you figure something out.
As we got to know each other, things became special, and I am really thankful that I was given the opportunity of meeting and getting close to you. I am hoping that someday, things will get better between us. There is a lot going on, but I am doing my share to make sure that everything will run smooth really soon.
I am not looking for someone that will last long, I am looking for someone that will stay; and I want it to be you.
Wednesday, August 29, 2012
Tuesday, August 28, 2012
Disoriented
Disoriented. The word best describes how I am feeling right now. After a few weeks, a lot of things have changed. Even I got surprised of how things turned out. In a short span of time, I took a leap from being a stranger to someone close.
I don't usually give meaning to friendly gestures, but I know that there is more than that going on. Friends go out, but they don't get intimate. As people say, you don't know what's going to happen, it just happens. Things were a bit surprising and quite frankly, I am happy about it. I never realized that you'd feel something for me. I wasn't special, I was no different, but you see things on a different point of view.
I want to confirm, but I don't want to complicate things, not now that you have your own priorities. I want everything to happen when you are ready, when both of us have settled all of our own issues. I am willing to wait until that day comes, until the day that you can say yes.
But, no matter how good things turned out to be, there is a bad side to everything. I am caught between a fine line of love and friendship. I can't lose a friend, and I can't lose you.
Heck, I can help people figure out their own problems, but I can't solve my own. No matter how good conversations turn out, I know that there's a gap; a small crack that will eventually break down if not given attention, and I want to fix this. I am doing my best, but I wish that you can hold on for just a bit longer. As for me, I will be waiting until the day comes that everything is alright, and I can be with you forever.

Saturday, August 18, 2012
Ang Pag-Ibig Sa Aking Pananaw
Marahil, minsan ay naramdaman mo nang magmahal. Ito ang isa sa pinakamalalaking hiwaga ng buhay. Maging ito man ay yung katabi mo noon sa canteen noong Grade 1 ka, yung substitute teacher noong 2nd year high school ka, o yung uber hot prof noong college ka, naniniwala ako na minsan sa buhay mo ay naramdaman mo na ito.
Naisip kong magpost sa blog na ito upang bigyang sagot ang isa sa mga pinakamalaking misteryo ng buhay; ang pag-ibig. Isinulat ko ito hindi upang baliktarin ang pananaw ng ibang tao, subalit upang ipaliwanag ang salitang ito sa paraang nalalaman ko.
Ano nga ba ang klase ng mga taong nagmamahal?
Ang Choosy - Ito ay ang 70% ng lahat ng taong nabubuhay. Sila ay may nakita sa isang tao kaya nila nasabing mahal nila ito. Madalas, ito ay pisikal na atraksyon, at ang mga pag-ibig na ganito ay tumatagal hanggang makahanap sila ng iba.
Ang Desperado/Desperada - Ito naman ang mga taong madalas ay nasa 30 gulang pataas. Dahil sa tagal nilang nabubuhay at wala pa silang asawa, handa silang pikutin ang kung sinuman, maging ang magtataho na dumadaan sa umaga upang maglako ng mainit na taho. Morning glory kumabaga.
Ang Martir - Ang mga taong ito ay nagmamahal nang walang hinihinging kapalit. Madalas, ang mga taong ito ay nakukulong sa friendzone. Nakikipagdate, kumakain ng isaw sa labas, nanonood ng sine, at nanonood ng sine kasama ang kanilang iniibig na ang turing sa kanila ay kaibigan lamang. Note: Ang mga taong nasa friendzone ay iba sa girlfriend o boyfriend, ang mga taong ganito ay minamahal ng kanilang kapareha biglang kapatid, kaibigan, o paboritong alagang aso --- walang sekswal na atraksyon.
Ang Sakim - Ang grupong ito ay maaari nating sabihing kabilang sa mga taong choosy. Ang kanilang pagmamahal ay para sa pangsariling kapakanan lamang. Karamihan sa kanila ay mga manyak na walang ibang ninanais kundi rumesponde sa tawag ng laman. Hindi nila kayang bigyang halaga ang nararamdaman ng kanilang kapareha, at kalaunan ay mawawala kapag nakahanap ng iba.
Ang malaking tanong, nakakabuti nga ba ang pagmamahal?
Positibo - Ang pagmamahal ay magbibigay sa iyo ng inspirasyon upang pagbutihin ang iyong mga ginagawa sa buhay. Maging ito man ay trabaho, pag-aaral, o kahit sa paglalaro ng basketball. Maraming tao ang ginawang inspirasyon ang pagmamahal, maging ito ay sa kanilang pamilya, kaibigan, o sa kanilang kapareha upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay, at sila ay hindi nabigo.
Negatibo - Mayroong mga taong praning pagdating sa pag-ibig. Marahil ay hindi na bago ang mga taong biglaang magtetext ng kung anu-ano sa mga ex nila tuwing inaabot ng alas-dos ng madaling araw sa inuman. Sa aking pananaw, ito ay hindi gawain ng isang lasing, kundi ng isang taong nakahanap ng lakas ng loob gamit ang alkohol. Ang isang lasing ay walang magagawa kundi ang sumuka at matulog pagkatapos ng mahabang inuman. Sa tagal kong umiinom ng alak ay alam ko na ang mga bagay na yan.
Mayroon ding mga taong sinisira ng pagmamahal. Marami sa atin ang nakagawa ng mga bagay na hindi dapat dahil sa pagmamahal. Mayroong mga pamilyang nasira, may mga pagkakaibigan na nawala, at mga taong tuluyang nawala sa tamang landas ng dahil sa kanilang nararamdaman.
Siguro nga ay marami pang mga bagay ang hindi ko nasagot dito, ang misteryong ito ay patuloy na iikot sa ating mundo at sa buhay ng tao...

Wednesday, August 15, 2012
Ang Solusyon sa Reklamo - Kumilos Ka!
Marami sa atin ang talagang hirap sa buhay at naghihikahos. Kulang ang maliit na kita upang tustusan ang gastusin sa bahay, pag-aaral ng mga anak, o ang paglilibang paminsan-minsan. Malaking porsyento ng ating mga kababayan ang hindi nakapag-aral at walang trabaho. Karamihan sa atin ay sinisisi ang gobyerno sa kung anumang kahirapa na kanilang pinagdadaanan.
May nagawa na nga ba tayo?
Marahil, minsan sa buhay mo ay dumaan ang panahon na naisip mo ang bagay na ito. Kung minsan, mahilig tayong magreklamo, sinisisi natin ang gobyerno na inilagay natin sa taas upang pamahalaan tayo. Subalit may nagawa ka na ba upang baguhin ang buhay mo? May nagawa ka na ba upang masabi mo na totoong walang ginagawa ang mga taong ito? Kung isa ka sa mga taong nanonood lamang ng balita, umiinom sa gabi kasama ng barkada at walang planong maghanap ng trabaho dahil hinihintay mong matupad ang mga pangakong ito, ang kawalan mo ng kinabukasan ay dahil din sayo. Huwag mong sisihin ang mahirap na magulang mo, ang walang kwentang gobyerno, o ang guro mo na walang naiturong mabuting asal sa iyo. Karamihan sa mga taong nasa paligid mo ay pinagdaanan din ito, ngunit hindi sila nagrereklamo gaya ng ginagawa mo.
Gumising ka!
Oo, tama. Gumising ka. Hindi sa lahat ng oras ay maghahanap ka ng sisisihin sa kahirapan mo sa buhay. Maraming tao ang umangat gamit lamang ang sipag at tiyaga. Hindi lahat ng tao ay kinailangan ng perang puhunan upang maabot ang mga pangarap nila sa buhay, mangilan-ngilan ay nagsikap upang akyatin ang hagdan ng kahirapan patungo sa pag-asenso. Kung nagawa nila ito, malamang ikaw rin, kaya mo.

Tuesday, August 14, 2012
Pangarap Nga Lang Ba Kita?
Tuwing nadidinig ko ang awiting ito ay naaalala kita. Noon, hindi ko lubos akalain na magkakaroon ako ng pagkakataon upang makausap ka, hindi sumayad sa isip ko na maaari akong mapalapit sa iyo.
Ang tanging iniisip ko noon, malabong pansinin mo ang isang katulad ko. Hindi ako espesyal, hindi nalalayo ang ugali sa ibang kalalakihan, at lalong hindi rin naman ako kagwapuhan.
Sino ba naman ako para mangarap? Sino ba naman ako para isipin na maaaring mapalapit sa iyo ang isang katulad ko?
Hindi nagtagal ay nagkaroon ako ng pagkakataon para magkaroon tayo ng komunikasyon. Salamat sa teknolohiya, mas nakilala kita at mas nakilala mo ako. Hindi ko inakala na malayo ka pala sa iniisip ko. Karamihan sa mga interes mo ay gusto ko rin at napapatawa ka ng mga biro ko. Siguro nga, kahit papaano ay may espesyal sa akin. Nagkaroon ako ng kaunting pag-asa, pag-asa na balang araw ay magkakaroon ako ng puwang sa puso mo.
Lahat ng usapan, tawanan, at mga sikreto; ito ang mga bagay na hindi ko malilimutan. Hindi ko lubos akalain na magtitiwala ka sa akin, at hindi ko rin naisip noon na maaari rin pala tayong magkalapit. Sa ngayon, ayokong bigyan ng kahulugan ang kung anumang namamagitan sa atin, masaya lamang ako sa mga bagay-bagay. Marami ring mga balakid, pero alam kong balang araw ay mawawala ang mga ito.
Mahirap man ang sitwasyon, maghihintay ako. Hihintayin ko ang araw na mawala ang lahat ng nakaharang sa pagitan natin, buong loob kong haharapin ang lahat ng pagsubok na ibibigay ng tadhana sa akin. Maging akin ka man o hindi, nais ko lamang na maipakita sa iyo na mahalaga ka sa akin.
Kung noon ay pinapangarap lang kita, ngayon kaya?
Wednesday, August 8, 2012
Isang Gabing Maulan
Martes ng madaling araw, katatapos lang ng inuman sa bahay. Medyo malakas ang ulan kaya nagpasya akong ihatid ko kayo. Wala sa isip ko na magiging espesyal ang gabing ito, ang tanging hinangad ko lamang ay maiuwi ko kayo ng ligtas. Sino ba naman ang mag-aakala na ang isang pangit na pangyayari ay may kapalit na kaligayahan?
Ang lakas ng ulan, siguro ay pitong araw na itong walang tigil sa pagbuhos. Mula sa amin ay mailan-ilang daanan ang matubig, subalit hindi ako mapipigilan nito para maiuwi kang ligtas. May isang daanang maraming sasakyan, tinitingnan ko sila at natatawa dahil inakala ko na ang mga nagmamaneho nito ay patanga-tanga na naman sa kalsada. Hindi ko inasahan ang susunod na mangyayari.
Bigla akong nakaramdam ng lamig sa aking mga paa. Pagtingin ko sa aking paanan, nagulat ako na puno na ng tubig ang ating sinasakyan. Baha pala, di ko nakita. Pinilit ko na hindi bitawan ang silinyador, nararamdaman ko na nahihirapan ang makina, pero ibinigay ko ang lahat ng aking kakayanan upang pilitin ang kotse na dalhin tayo sa mas ligtas na lugar. Alam kong kahit ang pinakamaliit na pagkakamali ay maaaring magpahamak sa atin, kaya't kahit may kaunting tama pa ng alak ay pinilit kong mag-isip ng tama hanggang makarating tayo sa isang mataas na lugar. Mabuti naman ay nakaakyat tayo sa harapan ng isang subdivision na medyo mataas.
Pagkahinto ay dali-dali kong binuksan ang hood upang tingnan kung ano ang nasira. Wala ang ilaw, madilim pa naman. Subalit bukod dito ay gumagana naman lahat. Sa lalim ng baha, mukang dito na tayo magpapalipas ng gabi, kasama ng 5 kaibigan natin.
Sa loob, magkatabi tayo subalit nasa kabilang panig ka ng sasakyan. Ako ang nasa upuan ng driver, nandun ka sa kabila katabi ng isang kaibigan natin. Iyong 4 na kasama natin ay nagsisiksikan sa likod. Bagamat ang karaniwang pakiramdam sa ganitong sitwasyon ay kalungkutan. Subalit wala akong iginuguhit sa basang bintana kundi mga mukang masasaya. Marahil ay ganito talaga ang normal na pakiramdam kapag nakasama mo ng di inaasahan ang taong nakakapagpangiti sayo.
Isinulat mo ang petsa at ang oras, nang makita ko ay di ko ito nakalimutan. August 24, 2012 4:10 AM. Lumabas kayo sandali, at nang makabalik kayo ay lumabas naman ako upang maghanap ng banyo, buti na lamang ay mayroon dun sa lugar na iyon.
Pagbalik ko ay nakaupo ka sa upuan ko, nahihiya man ako ay tumabi ako sayo. Noong una, nahihiya talaga akong dumikit sayo kaya pilit kong idinidikit ang katawan ko sa kabilang panig ng upuan, ayokong isipin mo na inaabuso ko ang sitwasyon. Subalit ng maramdaman ko na inaantok ka na ay inalok ko sayo ang aking balikat para masandalan mo. Alam kong nakakapagod ang mga pangyayari kaya't hinangad ko na mabigyan ka man lang ng masasandalan para makapagpahinga ka ng maayos kahit sandali. Noong sumandal ka, hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam - masarap na para bang kahit anong puyat ko ay nawala, at masaya, dahil iyon ang unang pagkakataon na nakalapit ako sayo. Noong makatulog ka, hindi ako makatiis, nakatingin ako sayo at nilalasap ang pagkakataon na ito. Ito pa lamang ang panahon na nakalapit ako sayo, at halos ilang pulgada lamang ang pagitan natin.
Habang tinititigan kita ay di ko mapigilan na halikan ka sa noo, tulog ka man at hindi mo naramdaman, ito na ata ang pinakamasayang gabi ng buhay ko. Marahil ay hindi na mauulit ang gabing ito, kaya't pinilit ko na hindi makatulog upang hindi ko maramdaman ang pagbilis ng oras.
Sumandal sayo ang isa sa mga barkada natin, kaya't nagkalayo na tayo. Tapos na ang ligaya, pero masaya pa rin ako. Sa ilang minuto na iyon, napasaya mo ko na alam kong mararamdaman ko ng matagal. Lumabas akong muli ng sasakyan, at ikaw naman ay tinatawagan na ng iyong pamilya kaya't tuluyan na nga tayong nagkahiwalay. Pagsikat ng araw, alam kong kailangan mo nang umuwi, kaya't inihatid na kita sa sakayan ng bus upang makapagpahinga ka na ng maayos sa bahay.
Marahil ay sandaling panahon lamang iyon, subalit walang tigil akong magpapasalamat sa iyo, na sa loob ng ilang oras ay natupad ang isa sa mga pangyayaring inaasam-asam ko. Nasira man ang sasakyan, hindi nito mapapalitan ang kaligayahan. Salamat sayo, salamat.

Subscribe to:
Comments (Atom)